-- Advertisements --

Tinaasan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang buwanang minimum wage at taunang medical checkups at hospitalization ng mga Pilipinong domestic workers o mga kasambahay.

Ito ay bilang parte ng reform package ng ahensiya na layuning matiyak ang proteksiyon at kapakanan ng mga Pilipinong kasambahay.

Sa bisa ng DMW Advisory No. 25 s. 2025 na nilagdaan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, ipapatupad ng kagawaran ang umento sa buwanang sahod ng Pilipinong kasambahay mula $400 hanggang $500.

Isasama ang naturang umento sa sahod sa lahat ng DMW-processed employment contracts.

Pagdating naman sa medical checkups at hospitalization, ipapatupad ito sa voluntary basis at magiging libre. Sakali naman na masangkot sa work-related accidents at illnesses, sasagutin ng foreign recruitment agencies at foreign employers ang magagastos.

Nakatakda naming mag-isyu ang ahensiya ng operational guidelines para sa bawat component ng reforms package.