Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbuo ng Office of the Presidential Adviser on Pasig River Rehabilitation na siyang tututok sa timely implementation sa rehabilitation and development ng Pasig River.
Sa pamamagitan ng Executive Order No.92, binigyang-diin ng Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagsama sama ng mga concerned government agencies sa pagrehabilitate at pag develop sa Pasig River.
Sa ilalim ng Executive Order, Inatasan ng Pangulo ang reorganization ng inter-agency council para sa Pasig River urban development.
Pangungunahan ng isang kalihim ang pangangasiwa ng Presidential Adviser for Pasig River Rehabilitation (PAPRR).
Sa kasalukuyan ang Presidential Adviser for Pasig River Rehabilitation ay si Jerry Acuzar.
Ang nasabing opisina ang magbibigay ng advise sa Pangulo kaugnay sa pagpapatupad ng mga polisiya, plans, activities, at mga programa tungo sa
rehabilitation, development, at restoration Pasig River water system at mga kalapit na water systems.
Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Executive Order No. 92 nuong August 13,2025.
Top