Sumuko na at agad na naghain ng piyansa si Porac Mayor Jaime Capil sa korte sa Pasig City.
May kaugnayan sa kaso nitong seven counts ng graft kung saan kasama niya ang abogado niya na nagbayad ng piyansa na aabot sa kabuuang P630,000.
Dahil dito ay hindi na inilabas ng korte ang arrest warrant laban sa alkalde.
Itinakda naman sa Disyembre 11 ang arraignment para sa pre-trial ng kaso.
Una ng sinabi ni Capil na hindi ito nagtatago at sumusunod ito sa itinakda ng batas.
Pinasalamatan nito ang mga supporters, kaibigan at pamilya dahil sa pagsuporta sa kaniya.
Noong Abril ngayon taon ay pinatalsik ng Office of the Ombudsman si Capil dahil sa gross neglect of duty na may kinalaman sa operasyon ng POGO hub na Lucky South 99.
Kahit na suspendido ay nagwagi pa rin bilang alkalde si Capil noong Mayo 2025 elecitons.














