Ipinaliwanag ng Malacañang ang umano’y ₱14 milyong uncollected expenses kaugnay ng foreign trip ng Office of the President (OP) na naflagged ng COA.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, ang agency ng Overseas Filipino Workers ang mayroong receivables o hindi pa nababayarang obligasyon sa Office of the President para sa naturang biyahe.
Sinabi ni Castro na nakapagpadala na ng pormal na liham ang OP sa OFW upang maiproseso ang pagbabayad at maresolba ang isyu.
Sa ngayon, iniulat ni Castro na mahigit ₱7 milyon na ang nakolekta ng Office of the President mula sa kabuuang halaga na kailangang bayaran, at nagpapatuloy pa ang koordinasyon upang makumpleto ang natitirang balanse.
Batay sa ulat Commission on Audit (COA) na mahigit ₱14.4 milyon na foreign travel expenses na inadvance ng Office of the President (OP) para sa iba’t ibang opisyal ng pamahalaan ang hindi pa rin nakokolekta hanggang Disyembre 2024.
Ayon sa COA, ang naturang halaga ay para sa airfare at hotel accommodations ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensiya na sumama sa mga presidential foreign trip mula 2022.
Kabilang dito ang mga kinatawan mula sa Board of Investment BOI, BIR, DA, DOF, DFA, DICT, DILG, DOJ, DMW, DPWH, DOT, DTI, pati na rin mula sa House of Representatives, Senate, NSC, PCO, PMS, RTVM, at TESDA.
Nanatiling overdue ang mga receivable kahit pa matagal nang nauna itong binayaran ng OP, ayon sa annual audit report ng COA.
















