-- Advertisements --

Target ng Pilipinas at Australia na lumagda sa panibagong defense deal.

Ito ay para ma-counter ang umiigting pang agresibong mga aksiyon ng China sa pinagtatalunang karagatan.

Ayon kay Defense Sec. Gilberto Teodoro, magbibigay daan ang enhanced defense cooperation agreement para sa mas madalas na joint military drills na naglalayong palakasin pa ang combined operational capability at pagpapalakas ng regional deterrence.

Inihayag naman ni Australian Defense Minister Richard Marles, na kasalukuyang nasa Maynila para sa ministerial meeting, na inaasahang malagdaan ang bagong kasunduan sa susunod na taon.

Susuportahan din aniya ng kasunduan ang pagpapagawa ng defense infrastructure sa Pilipinas kung saan pinaplanong ipatayo ang mga proyekto sa limang lokasyon.

Inanunsiyo ang naturang plano kasabay ng isinagawang joint military exercises sa pagitan ng mga personnel ng dalawang bansa sa may kanluran at hilagang parte ng Pilipinas.