Nagsagawa ng joint inspection sina DPWH MIMAROPA Regional Director Engr. Gerald A. Pacanan, CESO III, at Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor, flood dike SA Bongabong , Oriental Mindoro.
Ayon kay Director Pacanan , nagsasagawa na siya review sa lahat ng government flood control projects sa kanyang nasasakupan
Ito ay para makagawa ng komprehensibong report na isusumite sa DPWH national office.
Ito ay alinsunod sa kahilingan ng Pangulong Bongbong Marcos.
Tiniyak din ng opisyal sa publiko ang transparency, accountability, at ang de kalidad na infrastructure.
Tiniyak din ni Pacanan kay Governor Dolor na gagawin ng DPWH MIMAROPA ang lahat ng paraan para maging maayos at kapaki-pakinabang sa mamamayan ng lalawigan ang mga proyekto ng kanilang tanggapan.