Dinepensa ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang Makati City Police Station matapos batikusin dahil sa pag handle nito sa kaso na naging dahilan sa paglaya ng tatlong suspek sa Dacera rape-slay case.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana hindi kasalanan ng mga police investigators ng Makati Police ng magdesiyon ang korte na imbestigahan muli ang kaso ang pagkamatay ng 23-anyos ng flght attendant na si Christine Dacera.
Sinabi ni Usana, ginawa lamang ng mga pulis ang kanilang trabaho at lahat ng kanilang abot makakaya para maresolba ang kaso.
Sa rekumendasyon ng prosecutor na imbestigahan muli ang kaso, ay iimbestigahan nila ito.
Sa katunayan pumasok na ang CIDG sa pag-iimbestiga sa kaso.
Kahapon ipinag-utos ng Makati City Prosecutor’s Office ang paglaya sa tatlong suspeks sa Dacera rape-slay case na sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido at John Paul Halili dahil sa kakulangan ng ebidensiya kaugnay sa pagkamatay sa biktimang si Christine.
Sa kabila ng naranasang setback, siniguro ni Usana na magpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng PNP sa kaso hanggang sa makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Christine.
Inihayag ni Usana, ang malaking hamon para mabatid ang
katotohanan sa kaso ni Christine at makamit ang hustisya ay siyang
layon ng lahat.
Naninindigan ang PNP na hinalay si Christine bago pa ito mamatay.