-- Advertisements --

Nag-iimbestiga na ang mga otoridad sa mga posibleng dawit sa mga sasakyan sa loob ng NAIA Complex na mayroong mga violations.

Batay sa isinagawang operasyon ng PNP-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) at Land Transportation Office (LTO) sa loob ng lugar, 14 na sasakyan ang naharang dahil sa paglabag sa mga regulasyon ng transportasyon.

Kinabibilangan ng 10 taxi at 4 na pribadong sasakyan ang nahuli.

Karamihan sa mga paglabag ay may kinalaman sa overcharging, refusal to convey passengers, at breach of franchise conditions.

Inisyuhan ang mga driver ng Temporary Operator’s Permit (TOP) at posibleng harapin ang administrative sanctions mula sa LTO.

Ang mga sasakyan ay dinala muna sa AVSEGROUP headquarters para sa dokumentasyon bago i-turn over sa LTO Central Office sa Quezon City.

Ayon kay Brig. Gen. Jason Capoy ng AVSEGROUP, layunin ng operasyon na protektahan ang mga pasahero laban sa pang-aabuso at mapanatili ang kaayusan sa transportasyon sa paliparan.