-- Advertisements --
image 4

Sumailalim sa inquest proceeding sa Department of Justice (DOJ) ang limang Chinese nationals mula sa ni-raid na POGO firm sa Las Pinas para sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.

Sa inilabas na statement ng PNP ngayong araw, sinabi nito na naghain ng reklamo ang DOH laban kina Li Jiacheng, Xiao Liu, Yan Jiayong, Duan Haozhuan, at LP Hongkun.

Mahaharap din ang nasabing mga dayuhan sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ang bilang ng mga nasagip mula sa umano’y human trafficking sa may Las Pinas compound ay aabot sa 3,000.

Sa naturang bilang nasa 1,534 ang Pilipino habang nasa 1,190 naman ang mga banyaga.

Kabilang dito ang 687 Chinese, 186 Vietnamese, 140 Indonesians, 135 Malaysians, 83 Thais, 18 Taiwanese, 8 Nigerians, 5 Singaporeans, 8 Burmese, 2 Yemenis, 2 Pakistanis, 2 Chad, 1 Ivorian, 1 Tunisian, 1 Arab, at tig-isa mula sa India, Somalia, Sudan, Cameroon, at Iran.