Muling binalasa ni PNP chief, General Camilo Pancratius Cascolan ang mga bagong itinalagang Directorates for Integrated Police Operations (DIPO) commanders na siyang may control sa operasyon ng mga regional at provincial mobile forces sa buong bansa.
Epektibo ngayong araw, October 19, ipinatupad ang rigodon.
Ang mga sumusunod na opisyal na binalasa sa pwesto ay sina:
Police Major General Dionardo B Carlos- Director, DIPO-Visayas
Police Major General Chiquito M Malayo- Director, DIPO-Western Mindanao
Police Brig General Manuel M Abu- Director, DIPO-Southern Luzon
Police Brig General Ferdinand B Daway- Director DIPO, Northern Luzon
Sa direktiba ni Cascolan, inatasan nito ang mga DIPO commanders na maghanda ng Implementing Rule and Regulations (IRR) hinggil sa kanilang dagdag na trabaho lalo na sa internal security operations at terorismo.
Una nang ipinag-utos ni Cascolan ang realignment ng regional and provincial maneuver units at sila ay isasailalim sa command and control ng DIPO.