-- Advertisements --

balasahan

Muling nagpatupad ng malawakang balasahan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) epektibo ngayong araw April 5, 2021.

Nasa 23 matataas na police officers ang naapektuhan nito kabilang ang 13 heneral at siyam na colonel.

Pangunahin sa naapektuhan ay si M/Gen. Emmanuel Licup na na-relieve sa kaniyang pwesto bilang Directorate for Comptollership at ipinalit sa kaniya si B/Gen. Rodolfo Azurin Jr. mula sa Directorate for Information, Communication and Techonology Management (DICTM).

Si Gen Licup kasi ay magreretiro na sa serbisyo sa darating na April 9.

Inalis na rin sa pwesto si B/Gen R’win Pagkalinawan bilang Regional Director ng PRO-Cordillera at ipinalit sa kaniya si B/Gen. Ronald Lee mula sa PDEG.

Itinalaga naman bilang bagong director ng PDEG si B/Gen Remus Medina.

Relieved na rin sa pwesto bilang PRO-BAR regional police director si B/Gen. Samuel Rodriguez at ang pumalit sa kaniyang pwesto ay si B/Gen. Eden Ugale.

Habang ang iba ay pawang mga deputy chief sa iba’t ibang national administration at operations unit ng PNP at mga Police Regional Offices.

balasahan1

Sa kabilang dako, nakatakda ring magretiro ngayong buwan sina PNP Deputy Chief for Operations at kasalukuyang commander ng JTF Covid Shield si Lt Gen. Cesar Hawthorne Binag sa darating na April 24.

Habang si PNP spokesperson B/Gen. Ildibrandi Usana ay magreretiro na rin sa serbisyo sa darating na April 20.

Sa darating na May 8, 2021 magreretiro na rin sa serbisyo si PNP chief Gen. Debold Sinas.

Si Sinas, Licup at Binag ay pawang mga miyembro ng PMA Class 1987 habang si Usana ay miyembro ng PNPA Class of 1988.