Maagang pinaghahandaan ng PNP ang 2022 elections.

Ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde, malaking tulong para sa pagtitiyak nilang mapayapang halalan ang karagdagang pagdating ng 10 helicopters at 50 high-speed boats.

Ilan sa mga paghahanda nila ay ang pagpili ng ilang opisyal para maging bahagi ng PNP Task Force.

Ilan sa mga titignan ngayon ng PNP ay ang pagsawata sa mga private armed groups at mga terrorist group at ang pagbawas ng mga election related incidents.