Kinumpirma ng Police Security and Protection Group (PSPG) na kanilang ni-recall ang dalawang police escorts ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Ayon kay PNP-PSPG Director, C/Supt. Filmore Escobal na ang pagbawi sa dalawang police escorts ay may kaugnayan sa pagpapawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnesty application ng senador.

Sinabi ni Escobal na mismong si PNP Chief Oscar Albayalde ang nag-utos nito.

Pagtiyak naman ni Escobal na maaari pa namang maibalik sa senador ang kaniyang police escort sa sandaling acquitted ito sa coup d’etat charges laban sa kaniya.