Hinamon ng Philippine National Police (PNP) si Vice Mayor Nova Princess Parojinog Echavez na patunayan sa korte ang mga akusasyon nito na planted ang mga ebidensiyang nakuha ng mga pulis sa kanilang bahay sa isinagawang madugong drug raid.

Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt Dionardo Carlos, well documented ang ikinasang operasyon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Region 10.

Sinabi ni Carlos na kung kinikuwestyon ng kampo ng mga Parojinog ang isinagawang operasyon ng PNP, sa korte nila ito dalhin.

Dagdag pa ni Carlos na may video naman na nagpapakita na may hawak umanong droga ang bise alkalde.