Hinimok ng PNP ang singer at APO Hiking Society member Jim Paredes na magsampa ng kaso laban sa mga indibiduwal na responsable sa pagpapakalat ng kaniyang malaswang video.

Ayon kay PNP chief P/Gen. Oscar Albayalde, sa ngayon ay wala pang inihaing formal complaint si Paredes sa PNP Anti-Cyber Crime Group (ACG).

Sinabi ni Albayalde na ang ganitong kaso ay paglabag sa anti-cyber crime law.

Tiniyak ni Albayalde na nakahanda ang PNP na umasiste sa singer.

“He did not file a formal complaint to anybody yet, well if he wants to file a complaint to specific person, we are very much willing to assist him kung meron siyang gustong i file ng kaso then we have the ACG that could provide assistance sa kaniya kung alam niya sino ang nag upload ng video niya” pahayag ni PNP chief.

Inamin naman ni Paredes na siya ang nasa video na gumagawa ng malalaswang aksyon.