Nakatanggap na rin ng ayuda ang Philippine National National K9 na si Kobe matapos na pag-usapan online ang pamamayat nito ng rumesponde sa isang insidente ng pagsabog sa Maynila.
Mismong si Ramon Tulfo ang bumisita kasama NAPOLCOM Commissioner Rafael Calinisan at EOD K9 Unit ng PNP nitong araw lamang.
Layon nito na matukoy ang kalagayan nang aso na si Kobe na pinag-usapan online kamakailan.
Sa isang pulong sa NAPOLCOM Building, iniulat ng Explosive Ordnance Division (EOD) ang tungkol sa kanilang mga K9 unit, kasama na ang kalagayan ni Kobe, ang Belgian Malinois na napansin ng netizens na payat.
Matapos ang panawagan para sa mas maayos na pangangalaga, nag-donate ng dog food sina Tulfo at Calinisan, at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtrato sa mga asong nagsisilbi sa publiko.
Kaugnay nito ay siniguro ng PNP EOD na si Kobe ay nasa transition phase at regular na sinusuri ng beterinaryo.
Umaasa naman ang ilang animal groups na lahat ng mga alagang aso ng PNP ay mabibigyan rin ng kaukulang tulong.