Inaalam pa ng Malabon Police Station ang motibo sa pamamaril at pagpatay sa isang pulis.

Sinabi ni Police Corporal Michael Oben ng Malabon City PNP, nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo si Patrolman Alex Vitug Jr, nakatalaga sa Navotas PNP, ng bigla na lamang itong tinambangan at pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek na lulan ng din ng motorsiklo.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Lumabas pa sa imbestigasyon ng mga kapulisan na nawawala pa ang motorsiklo ng biktima at maging ang kaniyang service firearm.