-- Advertisements --
PNP CHIEF OSCAR ALBAYALDE 1
PNP Chief

Hinamon din ni PNP chief PGen. Oscar Albayalde ang United Nations Human Rights Council (UNHRC) na ilabas ang listahan at mga pangalan ng mga biktima ng extra judicial killings sa bansa.

” Show us the list, names and we will gladly investigate all of these kung totoo man yan. We have the list,
ours is covered by data, records and these are all submitted to the OSG,” ani ni Gen. Albayalde.

Sa datos na inilabas ng UNHRC nasa 22,000 drug suspeks ang nasawi sa war on drugs ng gobyerno.

Pero sa datos ng PNP nasa mahigit 6,000 ang nasawi sa war on drugs ng gobyerno at mahigit 270,000 na mga drug suspeks ang naaresto ng PNP simula ng maupo sa pwesto si Pang. Rodrigo Duterte nuong 2016.

Sinabi ni Albayalde na handa sila imbestigahan ang 22,00 EJK cases kung ilalabas ang listahan at mga pangalan.

Binigyang-diin ni PNP chief na ang kanilang hakbang kaugnay sa UNHRC resolution ay naka depende sa desisyon ng mga nakataas na opisyal

” We have our own laws, Constitution and our human rights is perfectly protected by our constitution and by our laws. On our part totoo yung sinabi ni General Bato na sarili nga naming mga pulis na finafilan namin ng kaso whenever we see irregularities or abuses in the conduct of police operations,” wika ni Gen. Albayalde.

Sa datos ng PNP, nasa 300 cases na ang isinampa ng PNP laban sa kanilang personnel kumpara sa 82 cases na isinampa ng CHR laban sa mga pulis.

“So ibig sabihin mas marami pa nga ang finafilan namin ng kaso sa amin ranks yung nakikita natin umaabuso or nakikita nagkakakaron ng irregularities in police operations,” pahayag ni Albayalde.