Sumampa na sa 125 ang naitalang Covid-19 fatalities sa hanay ng Philippine National Police (PNP) matapos madagdagan ito ng isa.
Gayunpaman patuloy naman sa pagbaba ang mga naitalang bagong kaso sa pambansang pulisya.
As of November 10,2021 nasa siyam ang naitalang bagong confirmed cases ng PNP Health Service habang may 29 na bagong recoveries.
Sa kabuuan nasa 261 ang Covid-19 active cases ng PNP.
Ang huling fatality ay isang senior police officer na nasawi nuong November 8,2021 dahil sa Covid-19 and hypertension.
Si Patient 125 ay isang 54-year old senior officer na naka assign sa national support unit na naka station sa Bicol region.
Simula ng pandemya ang PNP ay nakapagtala ng 42,047 total confirmed cases kung saan 41,661 dito ay nakarekober sa sakit at ngayon ay balik na sa full-duty status.
Nasa 204,728 o 91.27% na sa PNP ang fully vaccinated na protektado na sa nakamamatay na virus.
Nasa 7.50% o 16,833 personnel ang naturukan na ng first dose at naghihintay ng kanilang second dose.
Habang nasa 1.23% o 2,751 personnel ang hindi pa nabakunahan o ayaw talaga magpabakuna.
Samantala, sinimulan na rin ng PNP ang pagbabakuna sa kanilang mga dependents ngayong halos 100% na ang nabakunahan.
Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration at ASCOTF Commander Lt.Gen. Joselito Vera Cruz ang inuuna sa ngayon ay mga dependents may edad 17 years old above na binakunahan ng Janssen vaccines.
Sinabi ni Vera Cruz, kanilang isusunod na babakunahan ang mga dependents na may edad 12-anyos hanggang 17-anyos.
” Actually dependents lang na above 17 years old ang inuuna para sa Janssen vaccines na mag expire 3rd week of November and to follow na yung sa mga 12-17 years old for Moderna vaccines that will expire January next year,” mensahe ni Vera Cruz sa Bombo Radyo.