Tiniyak ni PNP chief General Guillermo Eleazar na matatanggal sa serbisyo ang anim na pulis na umano’y sangkot sa extortion activities sa Maynila.
Ayon kay PNP chief ang mga pulis na ito ay may mga ranggong patrolman, police staff sergeant at police corporal.
Ang mga nasabing pulis ay nahaharap sa kasong kriminal at administratibo at dinisarmahan na.
Sinabi ni Eleazar, ang anim na pulis ay inireklamo ng pangongotong sa kanilang dalawang naarestong curfew violators sa Luzon Street sa Maynila.
Humingi umano sila ng pera sa dalawang naarestong violators kapalit ng kanilang kalayaan, kaya naman sinangla ng dalawa ang kanilang motorsiklo at alahas at nakalikom ng P47,000 na siyang ibinigay sa mga pulis.
Pero nang makalaya ang dalawa, isa rito ay chairman ng sangguniang kabataan hanggang sa magsampa sila ng reklamo laban sa anim na pulis.
Agad namang inaresto ang mga sangkot na pulis.