PNP chief Oscar Albayalde
Philippine National Police chief General Oscar Alyalade

Pinangunahan ni PNP Chief PGen. Oscar Albayalde at US ambassador to the Philippines Sung Kim ang groundbreaking ceremony para sa bagong Regional Counter Terrorism Training Center.

Ang bagong pasilidad ay itatayo sa loob ng Camp Castañeda sa Silang Cavite, ang kampo ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Magugunitang ang kasunduan sa pagtatag ng “state of the art” Regional Counterterrorism Training Center sa Pilipinas ay nilagdaan ni Albayalde at US Embassy Deputy Chief of Mission John Law, noong Agosto.

Ang nasabing pasilidad ay nagkakahalaga ng Php350 million ay bahagi ng kabuuang Php520 million ($10 million) investment ng Estados Unidos sa naturang proyekto na kapwa pangangasiwaan ng Pilipinas at US.

Una nang Nagpasalamat si Albayalde sa Estados Unidos sa proyekto na aniya ay magpapataas ng kakayahan ng PNP na tugunan ang banta ng “Domestic at trans-national terrorism.”