TACLOBAN CITY – Nagpaabot ng tulong ang Philippine National Police (PNP) sa naiwang pamilya ng mga biktimang namatay at nasugatan sa nangyaring pang-a-ambush ng pinaniniwalaang New People’s Army (NPA) sa Brgy. Libuton, Borongan City, Eastern Samar.

Ito ay matapos ang naging pagbisita ni OIC PNP chief Lt. Gen. Archie Gamboa sa pamilya ng namatay na si Patrolman Mark Jerome Rama at gayundin ang apat na sugatang pulis upang personal mag-abot ng tulong para sa mga ito.

Ayon kay Lt. Col. Maria Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Police Regional Office 8 (PRO), nagpaabot ng pinansyal na tulong si Gamboa para sa mga pamilya ng mga biktima.

Maliban dito ay ginawaran din ng heroin medal ang namatay na pulis at Sugatang Magiting naman ang ginawad sa mga sugatang miyembro ng pulisya.

Maipababatid na tatlo ang naitalang patay kasama na ang dalawang sibilyan at 15 naman ang sugatan sa nangyaring ambush.