-- Advertisements --

Personal na tinungo ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang mga Supreme Court justices para humingi ng payong legal sa paggamit ng body-worn cameras.

Ilan sa mga ito na hinarap niya ay sina Chief Justice Alexander Gesmundo, Associatie Justices Marvic Leonen, Rodil Zalameda, Samuel Gaerlan at Jhosep Lopez.

Kasama rin sa pamamagitan naman ng video conference ay si Justice Rosmari Carandang.

Nauna kasing sinabi ni Gesmundo noong Hunyo 11 na gumagawa na sila ng mga guidelines at maaring ngayong buwan ay maaprubahan na ang final version.

Dagdag pa ng chief justice, nagbigay na ng iba’t ibang kaalaman ang mga kasamahan nitong justices sa binubuong guidelines.

Sa nasabing final version ay matitiyak aniya na hindi malalabag ang nakasaad sa konstitusyon at ang Rules of the Court.

Magugunitang bumili ang PNP ng nasa 2,696 na mga body cameras na ipinamigay sa iba’t ibang PNP stations sa buong bansa.