Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang pamamaga ng bulkang Kanlaon sa gitna ng malawakang pag-ulan sa Visayas, dulot ng bagyong Tino.
Batay sa report na inilabas ng Phivolcs, muling nagrehistro ang bulkan ng hanggang limang volcanic earthquake sa kasagsagan ng pag-ulan.
Naglabas din ito ng usok na may taas na 200 metro at tuluyang napadpad sa timog na bahagi ng bulkan, habang ang ilang bahagi nito at patuloy na nagpapakita ng sinyales ng pamamaga.
Naglalabas din ang bulkan ng hanggang 2245 tonelada ng asupre sa mga nakalipas na araw.
Kasabay ng patuloy na pag-ulan sa lugar, hindi inaalis ng Phivolcs ang posibilidad ng biglaang pagputok o phreatic explosion.
Hindi rin isinasantabi ng ahensiya ang posibleng pagputok ng magma.
Kahapon (Nov. 3) ay una nang nag-abiso ang Phivolcs ng posibilidad ng lahar flow dahil sa matinding pag-ulan dulot ng bagyo.
Ayon sa Phivolcs, hindi lamang ito posibleng mangyari sa mga dalisdis ng bulkan kungdi maging sa mga komunidad na direktang dinadaanan ng mga sapa, canal, atbpang nagsisilbing daanan ng tubig at lahar.
		
			
        












