Tiniyak ng kasalukuyung Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na pananagutin at makakamit ang hustisya sa pagkamatay ni Police Captain Joel Deiparine ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 7.
Kung saan pinangunahan pa mismo ng naturang hepe ng pambansang pulisya ang pagbibigay pugay sa kabayanihan ng nasawing pulis kamakailan.
Kanyang inalala si Capt. Deiparine bilang isang alagad ng batas na tapat, matapang, at may malasakit sa kanyang tungkulin bilang kasapi ng pambansang pulisya.
Maaalala na kamakailan ay nasawi sa pananambang si Police Captain Joel Deiparine habang ginagampanan ang kanyang trabaho sa lugar ng Barangay Sudlon 2 sa Cebu City.
Kaya naman personal na bumisita si Lt. Gen Nartatez Jr. sa isang punerarya sa Talisay City, Cebu upang bigyan pagkilala at respeto ang nasawing opisyal.
Nagpaabot din ng tulong pinansyal sa pamilya ang naturang hepe ng PNP sa pangako at layon na patuloy mapangalagaan ang mga kasapi at tauhan ng pmabansang pulisya.
“Si Captain Deiparine ay isang pulis na naglingkod nang may puso, tapang, at dedikasyon — isang huwarang larawan ng mga adhikain ng Philippine National Police,” ani Lt. Gen. Nartatez sa isang pahayag.
Dahil rito’y pagtitiyak ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na mananagot ang may sala at hindi hahayaang malimutan ang sakripisyong inialay ng nasawing si Capt. Deiparine.
















