Masisilayan ang ilang nakakamanghang astronomical events kabilang ang supermoon at meteor showers sa Nobiyembre.
Para sa mga selenophile o mga indibidwal na nabibighani o mahilig pagmasdan ang buwan, ayon sa state weather bureau, inaasahang masilayan ang Full Moon sa Perigee o tinatawag na Supermoon sa Nobiyembre 5.
Ayon sa ahensiya, mangyayari ang full phase ng buwan at pinakamalapit na posisyon nito sa pagikot nito sa mundo sa Nobiyembre a-5. Lalabas na ito ay pitong porsyentong mas malaki at labin-limang porsyentong mas malaki kesa sa average full moon.
Magiging active naman simula sa Nobiyembre 6 hanggang 30 ang astronomical event na Leonid meteor shower at maaabot ang peak nito sa Nobiyembre 17.
Paliwanag ng weather bureau na nangyayari ang naturang astronomical event kapag dumaan ang mundo sa debris na naiwan ng Comet Tempel-Tuttle.
Ang naturang meteor shower ay pinakamainam na masilayan hanggang sunrise.
Samantala, ang Northern Taurid meteor shower naman ay magiging active mula October 20 hanggang December 10, kung saan maabot nito ang peak sa November 12.
 
		 
			 
        









