-- Advertisements --

chubby2

Nabawasan ng 55 pounds sa kaniyang timbang si PNP Chief Gen Debold Sinas matapos ang anim na buwang pag da diet.


Ayon kay Sinas mula sa 306 pounds nasa 257 pounds na lang siya subalit ang ideal weight nito ay nasa 215 to 220 pounds para sa kaniyang height.

Aniya,ayaw niyang pumayat talaga kahalintulad nuong siya ay kadete pa ng PMA.

chubby4

Ayon kay Sinas, inilunsad niya ang weight reduction program na kaniyang tinawag na ”Oplan Chubby Anonymous”, ito ay para sa mga  overweight na mga pulis.

Nasa 20 pulis ang nag volunteer sa nasabing programa kung saan makakatanggap ang mga ito ng weight loss pills na may go signal sa doctor at tuturuan sila kung paano ang kanilang diet.

chubby3

Ang 20 overweight na mga pulis ay nagsasama sama tuwing Martes, Huwebes at Sabado para mag exercise.

Giit ni Sinas mayruong standing policy sa physical fitness para sa mga police officers na dapat maging physically fit ang mga ito para magawa nila ang kanilang trabaho.

Aminado si Sinas na karamihan sa mga pulis umaasa na tatanggalin na niya ang nasabing polisiya pero bilang pinuno ng pambansang pulisya nagpapayat din siya.

Una ng sinabi ni Sinas ang  resumption ng body mass index (BMI) monitoring sa mga  police personnel ay preventive measure para labanan ang coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Sa ngayon, striktong ipinatutupad sa loob ng Camp Crame ang 4 minute exercise sa lahat ng PNP personnel isa sa umaga at isa sa hapon.

Kahapon, nakiisa ang PNP sa global observance ng World Obesity Day kung saan inilunsad nito ang Chubby Anonymous Project.


Mensahe naman ni Sinas sa mga kapulisan dapat maging healthy ang lahat lalo na ngayon na may Covid-19 pandemic pa rin nararanasan ang ating bansa.