Sinabi ni Vice Presidente Sara Duterte na dapat subukang tumakbo ng kanyang kapatid na si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte bilang Speaker ng Kamara sa nalalapit na ika-20th Congress. Kung hindi man manalo, iminungkahi niya na maging Minority Leader na lamang ito.
Ayon kay Sara, wala pa ring lumalapit sa kanya para humingi ng basbas sa pagtakbo bilang Speaker o Senate President.
Sa isang panayam matapos ang thanksgiving mass sa Davao City noong Mayo 17, sinabi niya na tinanong na niya si Congressman Pulong tungkol sa posibleng kandidatura, ngunit hindi umano ito sumagot.
Samantala, lumulutang din ang pangalan ni Navotas Rep. Toby Tiangco bilang posibleng kapalit ni House Speaker Martin Romualdez. Ngunit ayon kay Deputy Speaker David Suarez, malaki parin ang sumusuporta kay Romualdez na may tinatayang 240 mambabatas na pumirma ng manifesto para sa kanyang pananatili bilang lider ng Kamara.
Inaasahan ang pormal na deklarasyon ng pag-suporta bago magsimula ang ika-20th Congress sa Hulyo, 2025.