-- Advertisements --

Humingi ng travel clearance si Davao City First District Representative Paolo Duterte para bumiyahe sa 17 bansa mula Disyembre 15, 2025 hanggang Pebrero 20, 2026.

Sa liham na ipinadala sa tanggapan ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III noong December 1, sinabi ng Davao lawmaker na plano niyang magtungo sa Hong Kong, China, Malaysia, Indonesia, South Korea, Japan, Singapore, Vietnam, Cambodia, United States, Australia, United Kingdom, Germany, France, Belgium, Italy, at sa Netherlands, kung saan nakadetine ang kanilang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit niya, sariling pera ang gagastusin niya sa biyahe at walang gagamitin mula sa pondo ng gobyerno.

Hiniling din niyang payagan siyang dumalo sa plenary sessions at mga pulong ng Kamara nang virtual habang nasa ibang bansa.