-- Advertisements --

Tinapos na Department of Transportation ang kanilang kasunduan o kontrata sa contractor na nagtayo ng mga common station para sa linya ng LRT1, MRT3, at MRT-7 dahil sa sobra-sobrang delay.

Sa pahayag ng ahensya ay sinabi nito na nag isyu na sila ng notice of termination laban sa BF Corporation and Foresight Development and Surveying Company Consortium.

Ayon sa DOTr, ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang pagkumpleto sa mga construction project na sinimulan noon pang 2009.

Ginawa ang mga proyektong ito para mapabilis ang travel time ng mga mananalakay.

Sa isang pahayag ay sinabi ni DOTr Secretary Vince Dizon, ang mga common station na ito ay layong ikonekta ang mga linya ng LRT-1, MRT-3 and MRT-7.

Layon ng hakbang na ito ng ahensya na mapabilis pa ang konstruksyon nito para makatulong sa publiko.