-- Advertisements --

Guilty beyond reasonable doubt ang naging hatol ng korte laban sa isang mamamahayag sa Iloilo City para sa kasong 3 counts ng cyber libel.
Kinilala ito na si Salvador Capulot Jr. na kilala sa screenname na “Jun Capulot.”

Ang kaso ay inihain ng complainant na isang contractor ng lalawigan ng Guimaras na si Shariko Salcedo.

Ayon sa abogado ni Salcedo, ang paninira ni Capulot ay ginawa sa tatlong episodes ng kanyang programa sa media na kanyang pinagtatrabahuhan.

Ito inere noong September 5, September 25, at October 8 taong 2020.

Anim na buwan hanggang isang araw at dalawang taon hanggang apat na araw ang naging hatol ng korte na pagkakakulong laban kay Capulot.

Inatasan rin ito ng korte na bayaran ang mga naging pinsala nito na may kinalaman sa kaso.