-- Advertisements --

Nasawi ang isang nanay at ang tatlo niyang mga maliliit na anak matapos na magkaroon ng sunog sa kanilang tahanan sa Brgy. San Vicente, Sta. Maria sa Bulacan nitong Huwebes, Mayo 15.

Sa naging inisyal sa imbestigasyon ng Sta. Maria Bureau of Fire Protection (BFP), mayroon namataang posporo at isang bote ng paint thinner sa bahay ng mga biktima na maaaring indikasyon na sinadya ang insidente.

Nauna na dito batay naman sa mga naging salaysay ng ilang mga saksi sa pangyayari, nakita pang lumabas ang ina ng mga biktima bago pa man magumpisa ang sunog.

Sa kasamaang palad ay unang nakitang wala nang buhay ang sunog na bangkay ng isang taong gulang na lalaki sa higaan habang nakita naman sa loob ng palikuran ang dalawa nitong kapatid na nasa mga edad tatlo at anim na taong gulang.

Sinubukan pang dalhin ng mga otoridad sa opsital ang dalawang bata at ang kanilang ina ngunit agad rin itong binawian ng buhay.

Nauna na dito ay tiniyak naman ng Bulacan Police Provincial Office na sumasailalim na sa imbestigasyon ang pangyayari upang matukoy ang naging motibo sa krimen.

Samantala, napagalaman naman na nagkaroon pa ng pagtatalo ang mag-asawa bago pa man mangyari ang sunog.

Kasalukuyan namang nakaburol na ang mga labi ng tatlong menor de edad habang sa isang social media post naman ay labis labis ang naging pagdadalamhati ng ama ng mga biktima.