-- Advertisements --

Tinatayang nasa 10 ektarya ang lawak ng nangyaring grass fire sa bahagi ng Batangas Port sa Batangas City nitong Huwebes.

Nai-record ang pangyayari kaninang pasado ala-1:00 ng hapon.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA), tumagal ng halos dalawang oras ang pangyayari bago ganap na naapula.

Sa kasalukuyan, nag-iimbestiga na ang Bureau of Fire Protection (BFP)-Batangas City, para mabatid kung gaano kalaki ang halaga ng naitalang pinsala.

Nilinaw din ng mga otoridad na hindi napinsala ng sunog ang mismong tanggapan ng PPA o mga pasilidad nito.