-- Advertisements --

Aminado si Department of Interior and Local Governement (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na isa sa mga posibleng dahilan kung bakit tumaas ang bilang ng mga naitalang fire incidents nitong Semana Santa ay dahil sa naantalang mga procurement ng fire trucks bunsod ng kamakailang crackdown ng kalihim sa talamak na korapsyon sa loob ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon sa kalihm, ang naging crackdown ay nagresulta sa delay sa procurement ng mga naturang equipments at bingyang diin ang hirap ng pagsasagawa ng reporma sa loob ng himpilan.

Sa kabila nito, siniguro naman ni Remulla na ngayong taon ay maidedeliver na ang mga naantalang procurement ng mga fire trucks para sa BFP upang maiwasan na ang ganitong pagtaas ng mga insidente.

Samantala, batay naman sa datos, tumaas ng halos 107% ang naitalang mga fre incidents ntong nagdaang linggo, simula Marso 21 hanggang Abril 5.

Nakapagtala kas ng 170 na insidente ang sunog ang BFP sa mga araw na ito na siyang mas mataas kumpara sa nautaang 82 fire incidents noong nakalipas na taon ng 2025.