-- Advertisements --
Hindi na papayagan ng Commission on Election (COMELEC) ang mga party-list organizations na gumamit ng mga pangalan na may kaugnayan sa sikat na mga TV shows at tulong mula gobyerno o ayuda sa susunod na halalan.
Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, na maghihigpit na sila sa susunod na halalan dahil hindi na tama ang nasabing paggamit ng mga sikat na telenovela na pangalan.
Marapat ang mga mag-aaply ng party-list ay nakalinya sa mga isinusulong nila adbokasiya.
Ang nasabing hakbang ay matapos na makatanggap sila ng mga puna ukol sa mga pangalan ng Party-List kung saan gumagamit ang mga ito ng sikat ng mga TV shows at mga pangalan ng ayuda ng gobyerno na hindi naman sumasalamin sa kanilang adbokasiya.