-- Advertisements --
PNP CHIEF OSCAR ALBAYALDE 1
PNP Chief

Dismayado umano si PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa paglaya ng halos 2,000 mga convicted inmates dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) kahit sangkot sa heinous crimes ang iba rito.

Pero giit ni Albayalde na hindi naman nila ito kinokontra dahil nasa batas ito.

Pero nararapat lamang daw na alamin kung totoong nagbago na talaga ang mga ito.

Aniya, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may mga drug lords na nakakulong sa loob ng Bilibid ay nagpapatuloy sa kanilang illegal drug trade kaya kwestiyunable kung talagang nagbagong buhay na talaga ang mga ito.

Hirit ng PNP sa Bureau of Corrections (BUCOR) abisuhan sila kapag may mga presong pinalaya.

Paliwanag ni Albayalde, mahalaga na ma-impormahan ang PNP dahil bahagi ito ng re-integration sa lipunan ng mga nakalayang inmates.

Nababahala kasi si Albayalde sa mga presong convicted sa rape, murder at drug trafficking.

Dahil dito nais ng PNP na magkaroon ng protocol sa ganitong mga kaso.

Nakahanda naman ang pulisya na tulungan ang BuCor sa sandaling ipawalang bisa ng DOJ ang released order ng nasa halos 2,000 preso na nauna ng pinalaya dahil sa GCTA.

Nakahanda naman ang PNP na magpatupad ng warrantless arrest laban sa mga bilanggo para maibalik ang mga ito sa kulungan.

“Kung talagang pasok sila doon sa GCTA na sinasabi then wala tayong magagawa but then again kailangan din naman natin tingnan kung ang mga taong ito while they are in jail, in detention sila pa rin naman nakokontrol ng ano, alam naman natin lahat yan na there are instances, incidents or cases wherein sila ang naidentify na sila pa rin ang nagconcontrol ng drug trade even sa labas or even na nandun sa loob, bigyan mo lang ng cellphone makapag ikot na sila. Through cellphone lang kaya na nilang mag initiate ng mga trade outside. So how can they be given GCTA kung sila mismo doon sa loob. Paglabas pa nila lalo na so we should really be careful dito in validating the conduct of these people,” wika pa ni Gen. Albayalde.