BANAC
BGen Banac

Walang ideya ang Philippine National Police (PNP) sa dalawang heneral na tinukoy ni Pang. Rodrigo Duterte na umanoy sangkot sa iligal na droga.

Nakahanda naman ang PNP sagutin sa anumang uri ng pagdinig ang nasabing isyu.

Ayon kay PNP Spokesman BGen. Bernard Banac, walang nakakarating na impormasyon sa kanila hinggil sa dalawang heneral, bukod sa ongoing imbestigasyon sa Senado kaugnay sa ninja cops na dinidiin si PNP Chief PGen. Oscar Albayalde.

Siniguro ni Banac, mananatili silang tapat, propesyonal, disiplinado at patuloy ang maigting nilang kampanya laban sa krimen, iligal na droga gayundin ang internal cleansing sa kanilang hanay.

Sinumang Pulis na mapapatunayang lumabag dapat mapanagot sa umiiral na mga batas at hindi nila hahayaang mamayagpag ang mga tiwali sa kanilang hanay.