NAGA CITY – Ikinatuwa ng Police Regional Office (PRO5) ang pagkakatalaga kay Asst. Secretary Melvin Ramon Buenafe bilang officer-in-charge (OIC) ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa pahayag ni Maj. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng PNP-Bicol, sinabi nitong naniniwala silang nasa mabuting mga kamay ang ahensya sa pamamagitan ni Buenafe.

Ayon kay Calubaquib, kilala aniya nila ang uri ng pagtatatrabaho ni Buenafe kung kaya tiyak na kaya nito ang naturang responsibilidad.

Maliban dito, nagpahayag din ng kanilang kasiyahan ang mga kapulisan sa Bicol lalo na ang grupong Bicol Region Against Drugs (BRAD) na una nang binuo at pinangunahan ni Buenafe para sa kampanya kontra iligal na droga sa Bicol.

Si Buenafe, ang dating regional director ng PRO5 bago ito naging asec ng BuCor noong si Sen. Bato Dela Rosa pa ang Bucor chief.

-- Advertisement --