-- Advertisements --
Wuhan China
China Map

Isang uri ng severe acute respiratory syndrome (SARS) ang misteryosong pneumonia outbreak sa China.

Lumabas kasi na 15 sa 57 pasyente na nadapuan ng sakit sa Wuhan City ay nakitaan ng bagong coronavirus na kahalintulad ng SARS.

Ang Coronaviruses ay mula sa malaking viruses na nagdudulot ng pagkakasakit na madadapuan nito gaya ng pagkakaroon ng sipon, lagnat, kidney failure at pagkakamatay.

Magugunitang aabot sa mahigit 8,000 katao na ang nadapuan kung saan 774 ang nasawi sa pandemic na SARS virus sa Asia na kumalat sa 37 bansa noong 2002 at 2003.

Ang coronavirus na tinawag din na Middle East Respiratory Syndrome (MERS) naman ay siyang pumatay ng 851 katao sa buong mundo noong 2012.

Pinawi naman ng mga eksperto na ang bagong coronavirus na dumapo sa ilang katao sa Wuhan ay hindi kasing tindi o nakakamatay kumpara sa SARS at MERS.

Magugunitang unang nadiskubre ang virus noong Disyembre 12 kung saan 59 katao ang nagkasit ng sabay-sabay.