-- Advertisements --

Nanatili pa rin ang diskriminasyon na kinahaharap ng mga Solo Parent, ayon sa pinakahuling ulat ng Commission on Human Rights (CHR).

Bagamat pinalawak ang batas na nagdagdag ng mga benepisyo gaya ng parental leave at buwanang cash subsidy para sa mga mahihirap, marami ang hindi pa rin nakakaalam ng kanilang mga karapatan o nahihirapang makuha ang mga ito.

Kabilang dito ang 57 solo parents at 26 opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan mula Abril hanggang Mayo ng taong 2023.

Isa sa mga pangunahing balakid ay ang magastos at komplikadong proseso ng pagkuha ng Solo Parent ID, kung saan aabot sa P700 ang gastos sa mga kinakailangang dokumento hindi pa kasama ang pamasahe, lalo na sa mga nakatira sa malalayong lugar.

Bukod pa rito, nabanggit din sa ulat ang epekto ng kahirapan sa kanilang mga anak, tulad ng problema sa pag-aaral, asal, at pagiging biktima ng bullying.

Ayon sa datos ng Department of Social Welfare and Development noong 2021, may higit 538,000 kabahayan sa bansa na may isa o higit pang solo parent, at halos 65% nito ay pinamumunuan ng kababaihan.

Marami sa kanila ang dumaranas ng panghuhusga ng komunidad, diskriminasyon sa trabaho, at kakulangan sa oportunidad.

Bukod pa rito, nabanggit din sa ulat ang epekto ng kahirapan sa kanilang mga anak, tulad ng problema sa pag-aaral, asal, at pagiging biktima ng bullying.

Dahil dito, nanawagan ang CHR na gawing mas simple at abot-kaya ang proseso ng Solo Parent ID application, palakasin ang pagsubaybay sa pagpapatupad ng batas sa mga lugar ng trabaho, at magsagawa ng malawakang kampanya para ipaalam ang mga karapatan ng solo parents.