-- Advertisements --

Naulit ng Gilas Pilipinas ang kanilang panalo laban sa Guam 95-71 sa first window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa first quarter pa lamang ay hindi na pinatawad ng Gilas ang world number 81 na Guam sa laro na ginanap sa Ateneo Blue Eagle Gym.

Subalit pagpasok ng second half ay umarangkada na rin ang Guam at napababa ng bahagya ang kalamangan.

Mayroon ng 2-0 na kalamangan ang Gilas sa Group A.

Kapantay na ng Gilas ang Australia na mayroong 2-0 win-loss record kung saan maghaharap sila sa Marso 1 na gaganapin dito sa Pilipinas.