-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong Crising ang lakas nito habang papalayo na sa extreme northern Luzon.

Batay sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa may 125 kilometer ng West Northwest ng Calayan, Cagayan.

May taglay ito na lalkas ng hangin ng 85 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 115 kph.

May bilis itong paggalaw ng hanggang 15 kph sa extreme northern Luzon.

Nakataas pa rin ang signal number 2 sa mga lugar ng Batanes; Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Rizal, Santo Niño, Gattaran, Alcala sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands; Ilocos Norte; Calanasan, Luna, Pudtol, Kabugao, Flora, Santa Marcela sa Apayo at Tineg, Lagayan sa Abra.

Habang nasa signal number 1 ang mga lugar ng natitirang bahagi ng Cagayan; (Mallig, Divilacan, Quirino, Gamu, Ilagan City, Burgos, San Manuel, Roxas, San Mateo, Aurora, Luna, Cabatuan, Reina Mercedes, Naguilian, Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Tumauini, Delfin Albano, Quezon, Santo Tomas sa Isabela; natitirang bahagi ng Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao;Bakun, Mankayan, Buguias, Kibungan, Kabayan, Atok, Kapangan sa Benguet; Ilocos Sur; Bangar, Sudipen, Luna, Balaoan, Santol, San Gabriel, Bacnotan, City of San Fernando, San Juan, Bagulin sa La Union.

Patuloy ang paggalaw ng bagyo sa southern China at maaring makalabas sa Philippine Area of Responsibility ng hanggang mamayang hapon.

Ibinabala ng PAGASA na lubhang mapanganib pa rin ang paglayag sa karagatan.