-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang tropical storm Crising, bago ang inaasahang pagtama nito sa extreme Northern Luzon.

Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 195 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Kumikilos ito pakanluran habang patuloy na lumalapit sa kalupaan.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 75 km/h malapit sa sentro, at bugso ng hangin na umaabot sa 90 km/h.

Itinaas ang Signal No. 2 sa Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), Isabela, Apayao, Kalinga, Ilocos Norte, hilaga at gitnang bahagi ng Abra, silangang bahagi ng Mountain Province at Ifugao, at hilagang bahagi ng Ilocos Sur.

Saklaw naman ng Signal No. 1 ang Quirino, Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Mountain Province, Ifugao, Abra, Benguet, Ilocos Sur, La Union, hilagang bahagi ng Pangasinan, hilagang bahagi ng Aurora, at hilagang-silangang bahagi ng Nueva Ecija.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha, landslide, at malalakas na hangin.

Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang galaw ng bagyo upang maipagbigay-alam ang mga susunod na babala.