-- Advertisements --

May paliwanag ang Palasyo ng Malakanyang kung bakit hindi makakasama si First Lady Liza kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Washington DC sa Amerika.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro may working visit sa Riyadh, Saudi Arabia ang unang ginang.

Ang pahayag ng Palasyo ay kasunod sa mga kwestyon sa hindi pagsama ng Unang Ginang sa official visit ng Pangulong Marcos.

Sinabi ni Castro ang iskedyul na biyahe ni First Lady Liza Marcos ay mula July 17 hanggang July 20,2025.

Giit ni Castro,habang nasa Riyadh ang Unang Ginang kabilaan ang mga aktibidad na kaniyang dadaluhan, kabilang dito ang event kasama ang mga overseas Filipino workers.

Pasisinayaan din ni FL Liza Marcos ang OWWA Serbisyo Caravan, na isang one-stop-shop outreach program para sa mga OFW.

Nakatakda din nitong bisitahin ang ilang shelter facility ng mga distressed OFW.

Layon ng working visit ni First Lady Liza Marcos ay para itaguyod ang kapakanan ng mga OFW at kanilang pamilya.

Sa July 21 ang iskedyul na pagbabalik bansa ng Unang Ginang.