KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isang platoon leader ng NPA matapos na maaresto sa quarantine control check point sa Barangay Saravia, Koronadal City.

Ito ang kinumpirma ni Police Col. Jemuel Siason, provincial director ng South Cotabato sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kinilala ng opisyal ang naaresto na si Gemar Gecana a.k.a “Oyen”, 37 anyos at residente ng Brgy. Malabuan, Makilala, Cotabato Province.

Ayon kay Col. Siason, si Oyen ay platoon leader ng Guerrilla Front 73-Daguma- Far South Mindanao Regional Committee (FSMRC) at former CO ng Guerrilla Front 72-ALIP FSMRC na nagsasagawa ng operasyon sa probinsiya ng Sultan Kudarat partikular na sa mga bayan ng Palimbang, Lebak, Kalamansig, Senator Ninoy Aquino (SNA), Bagumbayan at Esperanza.

Sakay si Oyen ng isang Public Utility Vehicle mula bayan ng Polomolok papuntang lungsod ng Koronadal kung saan gumamit pa ng pekeng Contact Tracing ID ang suspek ngunit kalaunan ay nakilala ito ng mga otoridad.

Ang nasabing NPA leader ay may dalawang standing warrants of arrests sa kasong attempted murder mula sa RTC Branch 61, Kidapawan City.

Kasama ng 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit, Koronadal City Police Station, Criminal Investigation and Detection Group-12(CIDG-12) at Regional Intelligence Unit-12.