-- Advertisements --

Inianunsyo ngayon ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) na batay sa kanilang Resolution No. 36, pinapayagan na ang operasyon ng mga placement at recruitment agencies sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang napagkasunduan ng mga miyemrbo ng IATF sa kanilang pulong kahapon.

Ayon kay Sec. Roque, kaya maaari ng magproseso ang mga placement at recruitment agencies ng mga nagbabalak magtrabaho sa abroad.

Nakapaloob din sa Resolution No. 36 na pinapayagan na ring makalabas ng bansa ang lahat ng mga land-based at sea-based overseas Filipino workers (OFWs) basta mag-execute sila ng deklarasyong alam at nauunawaan nila ang peligro sa kanilang pagbibiyahe sa labas ng bansa.