-- Advertisements --

Pumalo na raw sa P4.3 billion ang pinsala ng bagyong Paeng sa inmprastraktura.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), base sa pinakahuling situational report, ang kabuuang pinsala ng 722 na imprastraktura ay pumapalo na sa P4,309,850,765.88.

Ang pinakamataas na bilang bilang ng pinsala ay kinabibilangan ng 111 infrastructure sa Calabarzon na mayroong kabuuang halagang P1,243,670,800.

Siniundan ito ng Mimaropa na mayroong 191 na napinsalang imprastraktura na nagkakahalaga ng P794,207,400 at Bicol Region na mayroong 180 na na-damage na infrastructure na may halagang P793,374,689.99.

Samantala, base sa report ng Department of Agriculture (DA) mayroon nang P2,989,090,147.535 ang damage sa agriculture sector sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Bangsamoro Region at Cordillera Administrative Region (CAR).

Pero kahapon nang sinabi ng DA na ang pinsala ng bagyong Paeng sa agrikultura dahil sa bagyong Paeng ay pumalo na sa P3.16 billion.

Ang Bicol Region ang may pinakamatinding pinsala sa agrikultura na P924,124,008.65.