Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si Janet Lim-Napoles at dating mga opisyal ng Technology Resource Center (TRC).
May kinalaman ito sa pag-divert ng P7.55 milyon Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating Davao del Sur Rep. Marc Douglas Cagas IV.
Kasamang hinatulan ng Specia Third Division ng Sandiganbayan si Dennis Cunanan ang dating deputy director general ng TRC, Maria Rosalinda Lacsamana ang dating TRC group manager at Rhodora Mendoza ng National Agribusiness Corporation.
Sa 149-pahina na desisyon na inilabas ng Sandiganbayan ay napatunayang guilty ng two-counts of grats at dalawang counts ng malversation habang sina Cunanan , Mendoza at Lacsamana ay nahatulan ng tig-once count ng graft at malversation.
Nahatulang makulong si Napoles ng 12 hanggang 20 taon na pagkakakulong dahil sa graft, 20 hanggang 34 taon para sa malversation.
Habang sina Cunanan at Lacsamana ay makukulong ng mula anim hanggang 10 taon dahil sa graft at 10 hanggang 14 taon para sa malversation.
Nahatulan naman si Mendoza ng anim hanggang 10 taon an pagkakakulong dahil sa graft at 10-18 taon para sa malversation.
Nagbunsod ang kaso sa endorsement ni Cagas at pagpili sa People’s Organization for Progress and Development Foundation Inc.
(Popdfi) at Social Development Program for Farmers Foundation Inc. (Sdpffi) na pawang mga non-government organizations na inooperate at kontrolado ni Napoles bilang project partners para sa distrito ng mambabatas na sana ay magbibigay ng agricultural production packages sa constituents nito.
Nakatanggap umano ng P2.7 milyon ang Popdfi mula sa PDAF ni Cagas habang mayroong P4.85-M ay napunta sa SDPFFI.
Pinagbabayad din ng korte ng P2.7-M sina Napoles,Cunanan at Lacsamana sa malversation at indemnity fee sa gobyerno na may parehas na halaga ng interest para sa Popdfi.
Habang sa Sdpffi ay inatasan din si Napoles at Mendoza na magbayad ng P4.85-M para sa indeminfy sa parehas na halaga na may interest rates.
Isinaad din ng korte na base sa General Appropriations Act para sa taong 2007 at 2008 ay walang NGO na pinangalanan bilang implementing agency ng PDAF projects at tanging ang ahensiya ng gobyerno gaya ng TRC at Department of Agriculture ay otorisado sa pag-implementa ng proyekto.