-- Advertisements --

Mariing pinasinungalingan ni Presidential Communications Office (PCO) na sila ay nagme maintain at nagbabayad ng mga “reactors” at “vloggers” para mag react sa mga post ng administrasyon partikular kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa interpelasyon ni SAGIP PL Rep. Paolo Henry Marcoleta sa budget briefing ng PCO inihayag nito na mayroon umanong nagsabi sa kanya na nasa 100 hanggang 200 ang reactors ng PCO para magbigay ng positibong reaksyon o komento sa mga social media post na tungkol sa Marcos Jr. administration.

Maliban dito, nasa 76 vloggers umano ay mine-maintain ng PCO.

Tugon naman ni PCO Acting Sec. Dave Gomez, walang ganito ang PCO.

Bagkus sinabi ni Gomez na mayroong “organic” at mga totoong tao na sumusuporta kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Pero ayon kay Marcoleta, batay sa impormasyon ay nasa P7,000 pa nga ang bayad sa reactors kada buwan.

Diin ni Gomez, kahit tingnan pa sa budget ng PCO ay walang makikitang ganito.