Nasa P16 million pondo ang hiniling ng Presidential Communications Office (PCO) para labanan ang “fake news” at nasa P252 million naman para sa advertising expenses para sa fiscal year 2026.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez na marami silang gagawing mga significant work para labanan ang fake news at misinformation mula sa digital front hanggang sa pakikipag ugnayan sa ibat ibang governemnt agencies para makakuha ng data dito sa mga fake news sites.
Ginawa ni Sec. Gomez ang pahayag sa budget briefing ng PCO sa House Committee on Appropriations panel para sa kanilang panukalang budget na P2.5 billion budget para sa fiscal year 2026.
Binigyang-diin ni Gomez patuloy nilang ini-educate ang publiko kaugnay sa fake news.
Sa budget briefing dinipensa ni Gomez ang panukala ng PCO na P252-million advertising expenses para sa 2026, a 5,800% increase mula sa P4.24-million advertising budget ngayong 2025.
Ito’y matapos kwestiyunin ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Representative Antonio Tinio na lumubo ang nasabing budget.
Sinabi ni Gomez ang pagtaas sa budget ng advertising ay dahil sa ASEAN summit kung saan ang Pilipinas ang host sa susunod na taon.
Inihayag din ng Kalihim na kailangan din ng dagdag na pondo para sa bid ng Pilipinas para maging non-permanent member sa United Nations (UN) Security Council.
Hiniling naman ni Tinio ang breakdown sa P252 million na advertising expenses para sa 2026 ng PCO.